Commander Asiong, the self-appointed spokesman of Red God’s Army, a Christian militia unit, tends to his sheep in Kauran, Philippines, Sept. 19, 2017. Even after the defeat of jihadist forces in the city of Marawi, the Islamic State’s influence in the Philippines is far from over, and communities on the island of Mindanao are bracing for the next battles. “We will defend our land until troops arrive,” Asiong said. (Jes Aznar/The New York Times)
ANI ng bungang-kahoy na nakatanim sa lupang pinag-aagawan ang sinisilip na anggulo sa likod ng pagkamatay ng anim katao sa madugong sagupaan sa pagitan ng dalawang pamilya sa bayan ng Indanan sa Sulu.
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), pawang Tausug ang nasawi sa barilang naganap sa Barangay Bunot noong nakaraang Sabado.
Ayon kay Indanan Municipal Police chief Major Edwin Catayao Sapa, bagamat kontrolado na ang sitwasyon sa naabing pamayanan, patuloy na binabalot ng tensyon sa ang Barangay Bunot kung saan aniya posibleng sumiklab ang rido (away-angkan)
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng mainit na sagupaan matapos bihagin ang dalawang menor de edad na nahuli sa aktong namimitas ng bunga sa mga tanim sa pinag-aagawang lupa.
Bagamat gumitna na rin ang lokal na pamahalaan ng Indanan sa hidwaan ng dalawang pamilya, wala pang nadarakip na suspek sa likod ng madugong sagupaan.
Kwento ng mga testigo, pawang armado ng assault rifles ang magkabilang panig. Gayunpaman, tumanggi di umano ang mga saksi na tukuyin ang sangkot sa barilan.
