TIWALA si Abra Lone District Rep. JB Bernos na malaking tulong ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act 11981 na mas kilala sa tawag na “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.”
Sa isang kalatas, ibinida ni Bernos ang aniya’y bentahe ng bagong batas na magbibigay-daan para makasabay ang mga local manufacturers sa pandaigdigang merkado sa bisa ng tulong ng gobyerno.
Partikular na inilahad ng kongresista ang suporta ng pamahalaan sa mga local manufacturers para itaas ang antas ng kalidad ng mga produktong gawa ng mga Pilipino.
Para sa mambabatas mula sa lalawigan ng Albay, isang makasaysayang hakbang ang paglagda ng Pangulo sa RA 11981 dahil mabibigyan ng proteksyon ng naturang batas ang local industry maging yaong mga nasa kanayunan.
“The President’s approval of the TPS is “a significant step towards our efforts to make our industries more viable,” sabi pa ng Abra lawmaker.
Ani Bernos, base sa Memorandum Circular No. 104 na ipinalabas ni Pangulong Marcos, alinsunod na rin sa probisyong kalakip ng RA 11981, ang lahat ng national government agencies, government-owned or controlled corporations at local government units ay naatasan suportahan ang implementasyon ng “Tatak Pinoy” strategy.
Dagdag ng kongresista, isinusulong din ng TPS ang pagtulong ng national, provincial, city, at municipal units sa nasasakupan nilang local enterprises para mapalawak at mapagbuti ang produksyon ng huli, gayundin ang gabayan ang mga ito na makalikha ng de-kalidad produktong maaaring maipasok sa global market.
“When we study globally-competitive products, we can see a common thread where the government closely collaborates with industries and other stakeholders for their improvement,” paglalahad pa ni Bernos.
Kaya naman panawagan ng kongresista sa lahat ng stakeholders, makipag tulungan at lubos na suportahan ang pagpapatupad ng TPS.
“At the core of it, the TPS lays out a plan so that we can create strong fundamentals for the goods and products that we offer. If we commit towards building a sturdy foundation the possibilities for growth will be endless,” aniya pa.
“Makakaasa ang ating mga kailyan na pagaaralan at pagsusumikapan natin ang agaran at epektibong implementasyon ng TPS upang patuloy na umusbong ang ating mga industriya,” pahabol ng solon.
