MAGMULA ng umupo bilang NCRPO Director ang ngayoy PNP Chief na si Director General Jose Melencio Nartatez, ay walang pinayagan maglagay ng peryahan sa Metro Manila.
Sa panahon ng pamumuno ni Nartatez, nanatiling pergalan-free ang Metro Manila hanggang sa maitalagang hepe ng NCRPO itong si General Anthony Aberin, kung saan ay may nakalusot na peryahan sa baluarte ni Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City.
Marami ang natuwang mga residente dito sa Metro Manila sa ipinag-utos na ito ni General Nartatez, ngunit ano itong nakarating sa Lily’s Files na isang pergalan ang itinayo sa nasabing lungsod.
Ang tanong ng mga residente ay kung bakit nakalusot ang peryahan sa Rizal Street na ilang hakbang lang ang layo sa headquarter ng Muntinlupa Police Station at People’s Park.
Sinasabing bagyo daw sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at PNP ang may-ari ng peryahan, dahil hindi raw ito kayang ipasara ng kahit na sino — kesehodang may bigating padrino.
Sa katunayan, ito raw ang madalas sabihin ng isang alyas Unad sa mga nagtatanong kung bakit hindi maipasara ang pergalan na ito.
Sa kabila ng lantarang pasugalan sa loob ng peryahan ay napakarami ring menor de edad ang nagsusugal dito pero kahit na may mga pulis sa labas ay hindi nila mapag bawalan man lang ang mga batang tumataya sa color game at drop ball.
Attention Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Muntinlupa Police Station Chief. Col. Robert Domingo. Mga sir, ano po ba ang naging CASH-unduan ninyo sa may ari ng peryahan na yan, bakit hindi nyo maipasara?
Mahiya naman kayo mga sir, kayo lang ang peryahan na nagpapalaro ng color game at drop ball sa buong National Capital Region!
