PANSAMANTALANG nabulabog ang klase sa Tulalian National High School sa Davao del Norte bunsod ng pagkalason ng nasa 29 na mag-aaral na sinasabing kumain ng ginataan at gulaman sa kantina ng nasabing paaralan. Sa impormasyong ibinahagi ng lokal na pulisya, isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang mga mag-aaral matapos makaranas ng mga sintomas ng hinihinalang food poisoning. Hinala ng pulisya, bleaching powder sa halip na asukal ang naihalo sa pagkain at inumin. Sa naturang bilang, anim ang nadischarge na sa ospital habang patuloy na inoobserbahan ang 23 iba pa. Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang vendor na umano’y nagbebenta ng pagkain sa mga mag-aaral. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 7 sugarol timbog sa sabong ng gagamba