KINUYOG ng intriga ang Palasyo matapos kumalat ang balita hinggil sa umano’y colon cancer na iniinda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero ang sagot ng Palasyo — “fake news yan!”
Ayon kay Undersecretary Claire Castro, hindi totoo ang naturang impormasyon na ibinahagi sa social media ni former presidential spokesperson Harry Roque.
Para kay Castro, lubhang mabigat ang epekto sa gobyerno at ekonomiya ng tinawag niyang “tsimis” na pinakalat ni Roque. Aniya, hindi dapat pinaniniwalaan ng publiko ang mga impormasyon mula sa kilalang “fake news peddler.”
Partikular na tinukoy ni Castro ang tinuran ni Roque sa social media kung saan sinabi ng dating tagapagsalita ng Palasyo na colostrum bag ang nakaumbok sa isang larawan ng Pangulo.
“Nakikiusap po tayo, huwag na po nating dalhin sa anumang usapin ang mga fake news peddlers katulad nila,” wika ni Castro.
