TULAD ng inaasahan, sumipa na rin ang presyo ng iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, bunsod ng krisis sa langis na may kaugnayan sa pagpapatuloy ng Middle East crisis.
Sa isang kalatas, inamin ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) na nagsimula na rin magtaas ng P2 kada kilo sa presyo ng imported at lokal na bigas ang ilang rice retailers.
Paliwanag ni Orly Manuntag na tumatayong co-founder ng PRISM, malaki ang epekto ng pagsipa sa presyo kada litro ng diesel na bahagi ng logistics sa buong supply chain.
Gayunpaman, nilinaw ni Manuntag na nananatiling matatag ang global rice prices o pandaigdigang presyo ng bigas.
