SA gitna ng krisis, higit na kailangan ng mga mamamayan ang kalinga ng pamahalaan, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng anunsyo hinggil sa paglalaan ng P1.76-billion stimulus package.
Kabilang sa target tustusan sa naturang halaga ang pagpapalawak ng social services at paglulunsad ng mga imprastrakturang lilikha ng trabaho sa mga taga-Maynila.
Para kay Moreno, malaking bentahe sa lokal na ekonomiya kung mananatiling buhay ng kabuhayan ng mga mamamayan.
“Kailangan patuloy na umikot ang pera sa Maynila para mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina na dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin, wika ng alkalde.
Sa gayung paraan aniya, makokontrol ang inflation na ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay oumalo na sa 59 percent.
