SAMPUNG taon matapos ang malawakang pagtuturok ng Dengvaxia,, patuloy na umaasa ang pamilya ng mga batang nasawing biktima na makakamtaan pa rin ang anila’y mailap na hustisya
Kahapon, maagang kinalampag ng kilos-protesta ang punong tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa lungsod ng Maynila para manawagan kay Secretary Fredderick Vida.
Hirit ng mga demonstrator kay Vida — huwag hadlangan ang mga inihaing reklamo laban sa mga indibidwal na nasa likod ng tinaguriang Dengvaxia scandal.
Panawagan ng mga naulila ng kontaminadong bakuna, tulungan sila para makamit ang hustisya — o ipaubaya na lamang sa hukuman kung saan ang pagpapasya ay nakabatay sa ebidensya.
“Naniniwala po kami na ang hustisya ay makukuha sa isang malaya at patas na proseso… at sa tulong ni Secretary Vida, umaasa kami lalabas ang katotohanan at mapaparusahan ang may sala.”
