BILANG agaran at direktang maramdaman ng milyong-milyong Pilipino, muling iginiit ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na isantabi muna ang paniningil sa automated teller machine (ATM) at iba pang bank transactions bilang tugon sa pagtaas sa pang-araw araw na gastusin bunsod ng nararanasang global oil crisis.
“Today, millions of Filipinos use ATMs, online banking, e-wallets, and fund transfer services just to pay bills, buy food, send money to family, or manage basic household needs. But each transaction comes with a cost—fees that may seem small individually, but collectively impose a real burden, especially during a time of rising prices,” pahayag ni Marcos.
Nauna nang inihain ng ranking House official ang House Resolution 905, na agaran din namang kinatigan ng plenaryo ng Kamara bago ang ilang araw bago sumapit ang Lenten break ng Kongreso.
Panawagan ng kongresista sa sa mga bangko, gayundin sa remittance centers at iba pang financial technology platforms, suspindihin muna o bawasan ang transaction fees.
Ayon kay Marcos, sa kasalukuyan ay nasa P18 ang singil sa interbank ATM withdrawal habang aabot sa P25 naman per transaction ang bayad sa online transactions, at ito aniya ay maituturing na dagdag gastos sa mga manggagawa kabilang na ang overseas Filipino workers (OFWs), na nagpapadala ng pera sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.
“The adoption of House Resolution No. 905 is not only about helping our [OFWs]—it is about providing immediate, practical relief to every Filipino who relies on the banking and digital financial system in their daily lives,” punto pa ng Ilocos Norte solon.
“In the face of global oil price shocks and inflationary pressures, these fees effectively become an added expense on ordinary Filipinos already stretching every peso,” dagdag pa niya.
Nakapaloob sa naturang resolusyon ang pag-atas sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pamunuan ang paghimok sa financial sector na magpatupad ng relief measures, habang ang iba’t-ibang government financial institutions ang silang dapat manguna naman sa nabanggit na hakbangin.
“Ang bawat bawas sa bayarin ay dagdag sa pambili ng pagkain, pamasahe, at pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kababayan. This is not just financial relief—it is economic fairness at a time when our people need it most,” pahabol ni Marcos.
