NAGPAHAYAG ng kahandaan bumalik sa pamamasada lansangan ang mga tsuper ng jeep sa kondisyon kakatigan ng gobyerno ang kahilingan para sa dagdag-pasahe.
Sa isang petisyong inihain ng grupong Piston sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), target ang transport group ang dagdag na P10 sa minimum fare sa jeepney.
Sa isang pahayag, nanindigan si Piston president Mody Floranda, na dapat nang tugunan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan bunsod ng mataas na presyo ng diesel.
Aniya, hindi na kumikita ang mga tsuper sa pamamasada.
“Isa to sa naging tungtungan ng ating pagpa-file at syempre ‘yung mataas na mga piyesa na ginagamit ng mga public transport na kung saan hindi naman bumababa ang mga presyong ito,” paliwanag ni Floranda.
Kabilang rin sa himutok ng mga tsuper ang pagtanggi ng ilang kumpanya ng langis tumalima sa oil price rollback na inihayag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa video statement ng Pangulo, nasa P24.94 ang dapat na tapyas sa kada litro ng diesel, P3.41 sa kada litro ng gasolina at P2 sa kerosene.
