SA panahon ng matinding pagsubok, kasalanang mortal ikarga sa mga konsyumer ang mga “paningit” na singil sa buwanang singil ng Meralco.
Sa ilalim ng House Resolution 965, target ni Mirang Kuryente partylist Rep. Arthur Yap amyendahan ang Republic Act 9163 na higit na kilala sa tawag na EPIRA Act.
Ayon kay Yap, napapanahon nang kalusin ang mga aniya’y hindi makatarungang charges sa mga electric bill na nakakadagdag sa bigat sa pinapasan ng mga konsyumer.
“Tanggalin po natin ang mga provisions (sa EPIRA law) na dagdag po… dagdag na pabigat sa taumbayan,” wika ni Yap.
Ayon sa mambabatas, maraming charge sa electric bills ang hindi makatarungan tulad ng systems loss charge, kung saan ang mga consumers ang bumabalikat sa kuryenteng ninakaw sa mga distributors.
“Pagkatapos i-charge ang system loss o yung kuryenteng hindi po natin nagamit binubuwisan pa tayo doon,” dugtong ni Yap kasabay ng giit na walang kasalanan ang mga consumers kung ninanawakan ng kuryente ang mga industry players.
Dapat na rin aniyang alisin ang probisyon sa nasabing batas kung saan binubuno ng mga konsyumer ang pondo para sa lifeline subsidy ng mga senior citizens at mga maralita.
Para kay Abante, gobyerno dapat ang dapat sumagot sa lifeline subsidy.
“Napakaganda ng polisiya ng gobyerno natin kagaya ng tulong sa mga senior citizens. Pero ang problema, yung tulong o subsidio na ibinibigay , bakit kinukuha sa bulsa natin?,” tanong pa ng mambabatas.
Hindi rin aniyang angkop na hugutin sa mga konsyumer ang salaping kailangan ng mga negosyante para sa mga renewable energy initiatives sa bansa.
