PATULOY na hidwaan sa Gitnang Silangan ang nakikitang dahilan sa likod ng patuloy na pagsadsad ng padalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa mga kaanak na nakabase sa Pilipinas.
Sa datos na ibinahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang “lowest OFW remittance in the last 11 months.”
Ayon sa BSP, pumalo lang sa $2.718 bilyon ang cash remittances noong Abril.
Paglilinaw ng BSP, mas mataas pa rin ng dalawang porsyento ang naturang halaga kumpara sa $2.664 bilyon na naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Gayunpaman, lumalabas na mas mababa patin ang cash remittance noong Abril kumpara sa $2.874 bilyon na naitala noong Marso.
Ito na run umano ang pinakamababang halaga ng remittance mula pa noong Mayo 2025.
Pinakamalaking bahagi ng naitalang remittances ay mula sa mga manggagawang Pilipino na nakabase sa Estados Unidos.
Nanguna pa rin ang Estados Unidos bilang pangunahing pinagmumulan ng padala ng mga OFW, sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.
