PITO sa kada 10 Pinoy angkuntento sa trabaho ng mababang kapulungan ng kongreso, batay sa pinakahuling resulta ng Philippine Public Opinion Monitor survey sa pangangasiwa ng WR Numero Research.
Para kay Deputy Speaker at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ng Zambales, ang mataas na grado ng Kamara ay isang malinaw na patunay ng positibong pananaw ng mga mamamayan sa kani-kanilang kinatawan sa Kamara.
Napaloob din sa survey na ang Kamara — sa pamumuno nina Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos ay nakapagtala ng 35 percent “mahusay” (good) performance rating.
Nasa 1,455 “adult Filipinos” ang pinaghugutan ng datos na nakalap sa pamamagitan ng face-to-face interviews na ginawa mula Marso 10 hanggang 17 — at may margin of error na ±3 percent at 95 percent confidence level.
Ayon kay Khonghun, ang mataas na district-level satisfaction ay ang mas tamang sukatan ng performance rating lalo pa’t direktang saloobin ng mga nasasakupan ng kanilang elected lawmakers ang kinakalap.
“The 71 percent satisfaction rating shows that, beyond national perception, our constituents feel the presence and service of their representatives in their daily lives,” anang ranking House official.
Hinggil naman sa 30 percent ng respondents na undecided sa overall performance ng Kamara, naniniwala si Khonghun na ito ay indikasyon na may ibang hindi makabuo ng kanilang pananaw dahil sa magkasalungat na naratibo sa mga usaping pambansa.
Subalit sa kabila ng tinatawag na balanced split sa pagitan ng positive at negative ratings sa institutional level, ipinunto ng Zambales solon na ang mataas na satisfaction score sa mga legislative congressmen ay nagpapakita na may nakatuon ang mga mamamayan sa serbisyong ipinagkaloob sa kanilang lugar at pagtupad sa tungkulin bilang mambabatas.
“The message is clear: people value results they can see and feel in their communities,” ani Khonghun.
