BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., personal na binisita ni Public Works Secretary Vince Dizon ang clearing operation na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon.
Partikular na tinungo ni Dizon ang apektadong lugar ang “paghahawan” sa Camalig-Guinobatan Road sa Maharlika Highway sa Albay.
Layunin ng inspeksyon na tiyak ang maayos na daloy ng trapiko matapos mabalot ng makapal na ashfall mula sa Bulkang Mayon ang pangunahing kalsada sa lalawigan ng Albay.
Bukod sa DPWH, inatasan din ng Pangulo ang iba pang ahensya para sa sabayang pagtugon sa delubyong dulot ng pagputok ng bulkan. Para kay Marcos, dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.
Patuloy rin ang deployment ng equipment at manpower ng DPWH sa iba’t ibang kalsada sa Albay upang mapabilis ang clearing operations at maibalik ang normal na biyahe ng mga motorista.
