HINDI bababa sa 62 barko ng China ang naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea noong buwan ng Abril. Partikular na tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalayag ng mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG). Kabilang sa mga lugar kung saan umano namataan ang mga Chinese vessels ang Bajo de Masinloc, Escoda Shoal, Pag-asa Islands at maging sa Ayungin Shoal. Sa isang kalatas, kinastigo ng AFP ang anila’y “illegal, coercive, aggressive at deceptive activities” ng China. Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang pagbabantay at operasyon ng sandatahang lakas para sa seguridad ng West Philippine Sea. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation NUP hati sa impeachment laban kay VP Sara Duterte Solon: Nuclear power plant solusyon sa energy crisis