SA halip na simpatya, todo-batikos ang napala ng arestadong social media personality sa giit na sa pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag ang dahilan sa likod ng operasyon kontra extortion na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa isang kalatas, hayagang kinastigo ni Atty. Elaine Atienza ang palusot ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta sa kinakaharap na reklamong extortion.
“PGMN is twisting the narrative,” wika ni Atienza na tumatayong tagapagsalita ni dating House Speaker Martin Romualdez.
“Ang isyu dito ay hindi tungkol sa malayang pamamahayag. Lalong hindi ito tungkol sa karapatan ng sinuman na punahin ang gobyerno. Ang tunay na tanong: may humingi ba ng pera kapalit ng katahimikan?”
Giit ni Atienza, walang kaugnayan at hindi pag-atake sa press freedom ang kaso ni Mabanta.
Ani Atienza, ginawa lamang ni Romualdez ang legal na hakbang — ang pagdulog sa law enforcement authorities laban sa pangingikil ni Mabanta.
“Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez simply did what any person exposed to the same circumstance would do — he reported the matter to the proper authorities, and the NBI acted on that report pursuant to its mandate under the law,” anang lady lawyer.
Para kay Atienza, walang kwenta ang pinangangalandakan ng PGMN sa hawak umano nitong expose’ laban sa ilang public officials. Aniya, hindi kayang burahin ng pananakot ang kinakaharap na kasong kriminal ng PGMN founder.
“Whatever materials or exposés they claim to possess are irrelevant to the criminal allegations of extortion now under investigation,” sabi pa ni Atienza.
“If anyone believes he has evidence of wrongdoing by public officials, the proper course is simple: release it, submit it to the authorities, and let the proper institutions act on it — not use it as leverage in exchange for money,” diin ng abogada.
Ang nakapagtataka aniya, hindi inilabas ng PGMN ang sinasabing video expose’ na umano’y magdidiin sa mga bigating personalidad.
“That is what PGMN did: they purportedly produced a video that was allegedly ready to run several weeks ago and yet chose not to release it. That is NOT journalism, that is extortion,” giit ni Atienza.
Kumbinsido naman si Atienza na slalabas ang katotohanan batay sa ebidensya sa legal na proseso, at hindi sa bisa ng baluktot na naratibo.
“Ultimately, this case will be decided by facts, evidence, and the rule of law — not by competing narratives on social media… simple lang po ito —sa demokrasya, malayang pumuna. Pero malinaw po sa ating batas: Isang krimen ang pangingikil.”
