PARA SA Department of Justice (DOJ), maaaring isuko ng pamahalaan ang isang akusado sa kasong isinampa sa pandaigdigan husgado
Sa isang kalatas, muling nanindigan ang DOJ sa naunang posisyon sa usapin ng legalidad ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Bato Dela Rosa.
Partikular na tinukoy ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez ang Republic Act 9851 – ang batas na naglalayong parusahan ang mabibigat na krimen tulad ng genocide, war crimes, at crimes against humanity.
Sa ilalim aniya ng RA 9851, may dalawang paraan para maipasa ang isang akusado sa international tribunal — ang kusang-palo ng gobyerno na isuko ang akusado at sa bisa ng extradition.`
Kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema ang isang petisyon kumukuwestiyon sa legalidad ng ICC warrant laban sa senador na punong-abala sa implementasyon ng madugong giyera kontra droga ng nagdaang administrasyon.
