SA gitna ng puspusang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec), kinansela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bisa ng nilagdaang batas. Sa ilalim ng Republic Act 12326, tuluyang ipinagpaliban ang halalan na nakatakda sanang idaros sa Nobyembre 2 ng kasalukuyang taon. Batay sa probisyon ng RA 12326, inusad sa Nobyembre 2028 ang BSKE. Bukod sa pagpapaliban ng halalan, nakapaloob din sa naturang batas ang pagpapalawig sa limang taon ng termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK. Panawagan ng Pangulo sa mga opisyales ng barangay at sa mga lider kabataan, gamitin ang dagdag na panahon para pagbutihin ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad at kabataan. “Hindi ito dagdag na panahon sa puwesto. Dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mary Jane Veloso pinalaya sa bisa ng absolute pardon Pisong dagdag-pasahe, inaprubahan ng DOTr