MASUSING inaalam ng House prosecution panel kung saan nanggaling ang idineklarang yaman ni Vice President Sara Duterte batay sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2022. Para kay House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Jay Tolosa, higit na marapat paghambingin ang tax fillings, business records, bank transaction at iba pang financial records kontra sa SALON ng nasasakdal. “Ang kailangan nating balikan dito and then as stated in our articles of impeachment, para maging simple tandaan natin ang kinukumpara natin ‘yung kabuuang yaman na idineklara ng bise presidente sa kanyang SALN,” wika ni Tolosa. “Una, dahil nanggaling ito from 2022 to 2025 tumaas ho yan ng around thirty plus million. So, ito na yung panahon na siya ay bise presidente na,” dagdag ng abogado. Sa 2025 SALN ng akusado, nagdeklara si Duterte ng P98.5 million net worth. Ito aniya mismo ang magiging batayan ng prosekusyon para silipin kung paano sumipa ang yaman ng ni Duterte mula nang manungkulan bilang bise presidente. Isa umano sa bubusisiin ng prosekusyon kung ang mga idineklarang negosyo o business interests ni Duterte ang siyang nagpataas sa yaman ng pangalawang pangulo. Samantala, nakatakdang hilingin ng prosekusyon na ipa-subpoena ang BIR records na maaaring ikumpara sa SALNs, SEC filings, bank records at AMLC transactions na may kaugnayan sa bise presidente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Leni-Pacman kontra Sara-Robin sa 2028? Santambak na red flag buking sa 2027 budget ng DPWH