SA gitna ng usap-usapan sa napipintong pagsibak kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang dating alkalde na idinawit ni former President Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga.
Ang bagong presidential appointee — si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na itinalaga bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Taong 2017 nang tanggalin sa pwesto ng Office of the Ombudsman si Mabilog bunsod ng “serious dishonesty” kaugnay ng hindi maipaliwanag na yaman.
Kabilang sa talaan ng mga tinaguriang narco-politicians ang pangalan ng dating alkalde.
Bumalik siya sa Pilipinas taong 2024 matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa dahil sa umano’y banta sa buhay.
