SA dami ng inihaing mosyon at petisyon, wala maski isang nakalusot. Ito marahil ang dahilan sa likod ng pagpapalit ng abogado ni former President Rodrigo Duterte na nahaharap sa patong-patong na kaso kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nagdaang administrasyon.
Ang bagong lead counsel ng dating Pangulo — veteran international criminal lawyer na kinilala sa pangalang Peter Haynes. Pinalitan ni Haynes si British-Israeli lawyer Nicholas Kauffman.
Una nang inihayag ng ICC ang pagbabago sa isang court filing kung saan pormal na namaalam si Kaufman, kasabay ng pagpapakilala kay Haynes bilang chief defense counsel ni Duterte.
Si Haynes na rin ang inaasahang dadalo sa status conference sa Mayo 27.
“Counsel has spoken to Mr. Haynes who has indeed confirmed that he is ready, willing and able to assume immediate representation and that his terms of engagement have been agreed,” ani Kaufman.
Kabilang sa mga hinawakang kaso ni Haynes ang pagdepensa kay General Vinko Pandurević sa International Criminal Tribunal for the former Yugoslavia (ICTY) kaugnay ng Srebrenica massacre.
Siya rin ang tumayong abogado sa ICC ni dating Democratic Republic of Congo Vice President Jean-Pierre Bemba na napawalang-salasa kasong war crimes.
Taong 2014 naman nang ipagtanggol ni Haynes sa ICC fugitive rebel leader na si Joseph Kony.
Nagsilbi rin si Haynes bilang presidente ng International Criminal Court Bar Association mula 2019 hanggang 2021.
