SA pagpapatuloy ng search operation, tatlo pang indibidwal ang tumambad na wala nang buhay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos na kalakip ng situational report no. 8 ng NDRRMC, pumalo na sa 68 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.
Bukod sa mga binawian ng buhay, nakapagtala na rin ang ahensya ng 1,339 sugatan habang 33 katao pa ang nawawala.
Nasa 337,541 pamilya (katumbas ng 1,382,294 indibidwal) ang apektado ng sakuna. Sa naturang bilang, 4,449 pamilya (katumbas ng 18,504 katao) ang kasalukuyang nasa 45 evacuation centers.
Tinatayang P148,047,150 ang kabuuang pinsala sa imprastraktura sa mga apektadong rehiyon kabilang ang Region 9, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
