ANUMANG araw mula ngayon, isasampa na ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta, ayon mismo kay Ombudsman Crispin Remulla.
Sa isang pulong balitaan, ibinahagi ni Remulla na nasa huling yugto na ang paghahanda sa isasampang kaso sa Sandiganbayan.
“It is for resolution. We are about to file it already,” wika ni Remulla.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y P75-milyong donasyon na tinanggap ni Marcoleta para kampanyang kalakip ng 2025 senatorial election.
Bukod sa plunder, kabilang rin umano sa niluluto ng Ombudsman ang kasong indirect bribery laban kay Marcoleta.
Una nang inimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggap ni Marcoleta ng campaign donation na hindi naman idineklara sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
