KINUMPIRMA ng De La Salle University (DLSU) ang isang insidente na kinasasangkutan ng incoming student” na umano’y nahulog mula sa isang gusali ng pamantasan sa lungsod ng Maynila. “De La Salle University confirms that an incident occurred today involving an incoming student who fell from a building in the Manila campus,” saad sa isang bahagi ng pahayag na pinaskil sa social media. Agad naman anilang nakipag-ugnayan ang tagapangasiwa ng unibersidad sa pamilya ng hindi pinangalanang estudyante, habang isinailalim naman umano sa “psychological debriefing” at “counselling” ang iba pang mag-aaral na nakasaksi sa naturang insidente. Hiling ng pamantasan sa publiko, irespeto ang pamilya sa gitna ng pagdadalamhati. “Out of respect for the student and the family’s privacy during this sensitive time, we request for the public’s cooperation in maintaining a supportive and compassionate environment.” Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang unibersidad tungkol sa pangyayari at sa kasalukuyang kondisyon ng estudyanteng isinugod sa pagamutan sa loob ng pamantasan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Hospital arrest hirit ng kapwa akusado ni Zaldy Co