DAHIL sa kabiguan ng pamahalaan iharap sa hukuman ang nasasakdal, tuluyan nang ‘inilibing’ ng Sandiganbayan ang mga kasong isinampa laban kay dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, kaugnay ng tinaguriang flood control scandal.
Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na hindi ganap na ibinasura ng Sandiganbayan ang asunto ng puganteng kongresista.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, procedural lang ang pag-archive ng kaso dahil hindi pa rin naman aniya nadarakip o nagsisilbi ang arrest warrant laban kay Co.
Paliwanag ng Palace official, pansamantala lamang umano inalis sa talaan ng mga kasong dinidinig ng korte ang kahulugan ng “archive.”
Sa sandaling maaresto, tiniyak ni Castro na agad na ibabalik sa aktibong pagdinig ang kaso ni Co na sinasabing nagla lamyerda sa Europa gamit ang Schengen passport.
