HINDI angkop magong padalos-dalos sa mga usaping may kinalaman sa mga kabataan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa panawagan ibaba ang minimum age sa criminal liability ng mga batang sangkot sa krimen.
Sa isang pahayag, iminungkahi ni Marcos pag-aralang mabuti ang panukalang ibaba ang minimum age of criminal responsibility kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan na na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.
Aniya, mas mahalagang alamin muna ng mga eksperto ang puno’t dulo sa likod ng marahas na asal ng mga kabataan.
“I’m not sure how that will work. We have to study it further,” ani Marcos sa panayam matapos ang apat na araw na pagbisita sa Canada.
Kabilang sa dapat aniyang silipin ang epekto ng social media at iba pang pagbabago sa mundong ginagalawan ng mga bata.
“When it is clear that a certain game or class of games are responsible for the desensitization of our children to violence, then yes, I think we should ban them,” anang Pangulo.
