IMBES na tugunan ang reklamo ng mga consumer, “band-aid” solution ang sagot Energy Regulatory Commission (ERC), banat ng isang militanteng kongresista.
Para kay Gabriela partylist Rep. Sarah Elago, hindi sapat ang pagpapalawig ng no disconnection policy, kasabay ng giit sa ERC na protektahan ang interes ng mga consumer sa halip na pagtakpan ang Meralco.
Partikular na isinusulong ni Elago ang pagtugon ng ERC sa overbilling at palyadong meter reading sa konsumo ng kuryente.
“Band-aid solution lang ang pagpapalawig ng no disconnection policy. Nade-delay lang ang problema pero hindi ito nalulutas. Sa huli, kailangan pa ring bayaran ng mga konsyumer ang mga sobra-sobrang singil na ipinapataw sa kanila,” ani Elago.
“Hindi naman nabubura ang utang. Naiipon lang ito habang patuloy na tumataas ang singil sa kuryente,” dagdag pa ng mambabatas.
Panawagan ng Elago sa komisyon, resolbahin ang reklamo sa lalong madaling panahon.
Una nang inihain ni Elago sa Kamara ang House Resolution 1189 na naglalayong maglunsad ng congressional investigation in aid of legislation sa mga reklamo ng consumers na mas piniling dumulog sa social media sa pag-asang mapapansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
