ISANG taon matapos sumingaw ang pangalan ng noo’y House Speaker Martin Romualdez, muling ibinida ng Office of the Ombudsman ang nalalapit na pagsasampa ng kasong plunder laban sa dating lide4r ng Kamara.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, malapit nang matapos ang paghihintay ng publiko sa susunod na hakbang ng gobyerno laban sa mga sangkot sa tinaguriang flood control scandal.
Pag-amin ni Remulla, nasa antas na ng preliminary investigation ang reklamo laban sa pinsan ng Pangulo.
“Maraming naiinip… pero dapat deliberate para pag binuo yung kaso at finile ay hindi siya basta-basta mawawasak ng defense counsel,” wika ng Ombudsman.
Una nang inginuso ng Office of the Ombudsman si Romualdez bilang “mastermind” sa malawakang katiwalian sa mga proyekto kontra baha ng pamahalaan.
Wala pang pahayag ang kampo ni Romualdez.
