PIHADONG simangot ang pagmumukha ng mga motorista pagsapit ng Martes, bunsod ng nakaambang implementasyon ng dagdag-presyo sa kada litro ng petrolyo sa merkado.
Batay sa pagtataya ng mga oil industry players, posibleng pumalo sa P10.50 ang ipapatong sa presyo kada litro ng krudo.
Nasa P4.50 naman ang inaasahang ipapatong sa presyo kada litro ng gasolina.
Isa sa nakikitang dahilan ng muling pagsirit sa presyo ng petrolyo ang lumalalang tensyon sa Middle East matapos atakihin ng Iran ang mga barkong kargado ng krudo sa Strait of Hormuz — na agad naman sinuklian ng pambobomba ng Estados Unidos sa ilang bahagi ng Iran.
