GANAP nang nagkabisa ang P60 dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage workers sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng DOLE ang implementasyon ng Wage Order NCR-27 na nagtatakda ng P85 kada araw na karagdagan sa sweldo.
Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na hinati sa dalawang bugso ang umento — P60 lang muna sa ngayon at P25 naman pagsapit ng Enero ng susunod na taon.
Mula sa dating P695 kada araw, magiging P755 ang minimum rate ng mga manggagawa sa non-agricultural sector.
Papalo naman sa P718 mula P658 ang sahod ng mga manggagawa sa agriculture, retail at service establishments, at manufacturing firms na may limitadong bilang ng empleyado.
Sa pagtataya ng kagawaran, nasa 1.1 milyong manggagawa sa Metro Manila ang makikinabang sa “pinakamalaking wage hike sa kasaysayan ng rehiyon.
