SA takdang araw ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isangbomba ang sumabog sa bisinidad ng Department of Justice sa lungsod ng Maynila.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng ahensya ang insidenteng nangyari dakong alas 12:20 kaninang madaling araw sa kahabaan ng Padre Faura sa Ermita, Maynila.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police – Ordnance and Explosives Unit, lumalabas na isang “improvised explosive device” ang ginamit na pampasabog. Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente.
“The situation is currently under control, and the DOJ compound remains secure. The DOJ remains committed to ensuring the safety and security of its personnel and the general public, while supporting a comprehensive and impartial investigation,” pahayag ng ahensya.
Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa insidente ng pagsabog sa DOJ.
Bagamat walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente, tiniyak ni MPD Spokesperson Police Major Philip Ines na ihahayag ang detalyadong resulta ng imbestigasyon.
