HINDI dahilan ang isinasagawang impeachment trial para maantala ang mga priority legislative measures na nakabinbin sa Kamara.
Ito ang giit ni House Speaker Faustino Dy III bilang tugon sa mga nagdududa sa kakayahan ng Kamara pagsabayin ang trabaho bilang mambabatas at ang mandato bilang tagausig sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
“May kumpiyansa po kami na may kakayahan ang Senado na pagsabayin ang kanilang constitutional duty bilang impeachment court at ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas,” wika ng House Speaker sa isang video statement kasabay ng garantiya sa suporta ng Kamara sa liderato ng Senado.
“Handa po ang Kongreso na makipagtulungan sa Senado sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian… nang sa gayon ay makagawa tayo ng mga batas na napapanahon at tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Speaker Dy.
“Inaasahan po nating magkakaisa ang dalawang Kapulungan upang mapanatili ang momentum ng ating legislative agenda. Sa dulo ng lahat ng ito, hindi naman ito tungkol sa Kamara o Senado.”
“Ang mahalaga, magkaroon tayo ng mga batas na magpapagaan ng buhay ng ating mga kababayan at magpapaunlad sa ating bansa,” pagtatapos ni Dy.
