PARA sa kapakanan ng bansa, tiniyak ng pamunuan ng Kamara ang pagtugon sa mga panukalang nais isabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni House Speaker Faustino Dy III ang mga sinambit ng Pangulo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa punong bulwagan ng mababang kapulungan sa Batasan Complex, Quezon City kamakailan.
“Ang SONA ang nagtatakda ng direksyon ng administrasyon. Ang papel ng Kamara ay tiyaking mabibigyan ito ng kinakailangang suporta sa pamamagitan ng maayos, masusi, at napapanahong pagtalakay ng mga panukala,” wika ni Dy sa isang pahayag.
Ayon kay Speaker, handa ang Kamara na pagtuunan ng pansin at mabilis na pagbalangkas ng panukalang tax exemption sa mga manggagawang may hanggang P350,000 annual income, pagbabawas sa iba pang income taxes, exemption ng small businesses sa pagbabayad ng minimum corporate income tax at tax amnesty sa unpaid income tax, estate tax, donor’s tax, value-added tax (VAT), at ang kaukulang multa.
“The House fully supports the President’s call to provide meaningful tax relief to our people. We will carefully study these proposals and work to pass measures that will allow Filipino workers to keep more of what they earn, help small businesses grow, and give qualified taxpayers a fresh start through a fair and responsible tax amnesty,” anang House Speaker.
Ikinalugod din ni Dy ang panawagan ni Pangulong Marcos na magkaroon ng reporma at pagpapababa sa presyo ng kuryente, kabilang dito ang pagpasa sa Sariling Kuryente Act, na magbibigay-daan sa murang installation ng rooftop solar panels at battery storage systems sa mga kabahayan at pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), partikular ang pag-aalis sa systems loss charge at VAT na pinapasan sa mga konsyumer.
“The President has made it clear that bringing down electricity costs is a national priority, and the House stands ready to do its part. We will give due priority to the proposed Sariling Kuryente Act and the amendments to the EPIRA to ensure that consumers are no longer made to shoulder charges that should not be passed on to them,” saad pa ng House chief.
Ani Dy, ang mensahe ng Pangulo ay naaayon sa direksyong nais tahakin ng Kamara sa pagsisimula ng Second Regular Session sa ilalim ng 20th Congress nito, na pagbibigay prayoridad sa mga repormang direktang mapakikinabangan ng mga ordinaryong Filipino.
“Ang hamon ngayon ay tiyaking ang bawat panukalang tatalakayin ng Kamara ay may malinaw na pakinabang sa bawat Pilipino. Iyan ang magiging sukatan ng ating trabaho.”
