PARA kay Abra lone district Rep. JB Bernos, angkop lang ang pagsasagawa ng active shooter simulation drills sa mga paaralan sa buong bansa, kasabay ng giit na malaking tulong ang naturang hakbang para magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral, gayun ang mga kawani ng eskwelahan kung may banta sa kaligtasan.
“We support the conduct of active shooter simulation drills in our schools, which is now unfortunately necessary in light of the recent school shooting in Tacloban. We cannot emphasize enough how crucial it is for students and staff to know how to respond if another shooting occurs,” wika ni Bernos, vice chair ng House committee on public order and safety.
“Drills work. Nakita na natin ito sa ilang mga nagdaang lindol na maraming estudyante ang nailayo sa kapahamakan dahil sa kaalamang naibabahagi sa mga earthquake drill,” dagdag ng Abra lawmaker.
Ginawa ni Bernos ang pahayag matapos i-anunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng pagsasanay na tututok sa survival actions sakaling may mangyaring gun attack sa eskwelahan.
Ikinalugod naman ng House panel vice chair ang pagtugon ng Philippine National Police (PNP) sa pangangailangang mapalakas ang seguridad sa school campuses.
Ani Bernos, mismong si PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang nagprisinta gawing bahagi ng ruta ng pulisya ang daily beat patrols sa malapit sa mga paaralan, at tuwing Monday flag-raising ceremonies na dadaluhan rin aniya ng mga pulis.
Bukod dito, ang PNP women and children protection desk, tutulong sa programa ng mga paaralan na pagbibigay ng guidance counseling at maglalagay din ito ng anti-bullying desks.
“We thank the PNP for responding immediately to the call of the times and being partners in maintaining public order and safety. I hope that their actions will go a long way towards deterring the occurrence of crime in our schools which are and should remain as sanctuaries of peace and learning for our youth,” ani Bernos.
