KUNG pagbabatayan ang nasipat na irregularidad sa paggamit ng confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), lumalabas na isang estilo lang ang ginamit sa paglustay ng pondo.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte, partikular na tinukoy ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang testimonya ni State Auditor Roderick Wamil hinggil sa ginawang pagsusuri sa liquidation report ng confidential funds sa mga nabanggit na tanggapan.
Kabilang sa mga napuna ng prosekusyon ang mga pagkakahawig ng liquidation at accomplishment reports ng OVP at DepEd.
- Benepisyaryong tinago sa alyas
- Quarterly cash advance
- Kawalan ng resibo
- Pamumudmod ng insentibo
- Gastos sa “unauthorized travel”
Giit naman ng depensa, ginamit ang pondo para pigilan ang “recruitment” ng mga komunista sa hanay ng guro at mag-aaral.
Pati aniya ang paggastos sa maintenance and other operating expenses (MOOE) budget ng OVP at DepEd walang resibo.
