WALA nga ba talagang alam ang Pangulo sa bagong mukha ng pork barrel na isiniwalat ni former Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan? Ang sagot ng Palasyo — hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang leadership fund na na nakalaan umano sa pet projects ng mga senador sa ilalim ng 19th Congress. Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naglabas na rin ng kautusan ang Pangulo para sa malalimang imbestigasyon hinggil sa ibinunyag ng dating Kalihim na tumayong testigo sa pagdinig ng kasong malversation na kinakaharap ni dating Senador Bong Revilla. Ang direktiba ng Pangulo — isang patas na imbestigasyon kesehodang madamay ang mga kaalyadong miyenbro ng senado. “Bilang Pangulo umaksyon, nagpa-imbestiga at hindi inalintana kung sino ang matatamaan,” ani Castro. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Panukalang batas kontra cyberattacks, aprub na Abogado ni VP Duterte, sinopla ni Atty. Kapunan