WALANG dahilan para pag-isahin ang 14 na kasong kinakaharap ng isang partylist congressman na hinihinalang sangkot sa kontrobersyal na flood control scandal.

Sa resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan, tuluyang ibinasura ang hiling ni 

Uswag Ilonggo partylist Rep. Jojo Ang na “motion to consolidate” sa mga kasong graft na isinampa laban sa nabanggit na mambabatas.

“Although the said cases appear to be similar in nature, it is undeniable that each case involves a project separate and distinct from others. Thus, it is improbable that there will be conflicting rulings on factual matters,” saad sa resolusyon ng Sandiganbayan Sixth Division..

Anang korte, magdudulot ng pagkaantala sa pag-usad ng kaso ang consolidation sa 14 na kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Ang na sinasabing may-ari ng mga kumpanyang nakasungkit ng kontrata sa mga proyekto ng gobyerno.

Pansamantalang nasa laya ang kongresista matapos maglagak ng piyansa isang araw matapos ilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest kaugnay ng mga kaso ng katiwalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *