WALANG plano ang prosekusyon madaliin — o pwersahin ang pagdalo sa pagdinig ni former Department of Education (DepEd) special disbursing officer (SDO) Edward Fajarda, kaugnay ng confidential funds ng nasabing ahensya sa panahon ng panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim.

Ayon kay House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., makakapaghintay ang House prosecution panel sa paggaling ni Fajarda na kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman bunsod ng “stroke.

“Of course, we’re sorry to hear what happened to SDO Fajarda. Nakipag communicate naman ang doktor niya sa impeachment court na magpapahinga muna siya. And it is up to the doctor kung hanggang kailan,” wika ni Abante.

“Because I believe the prosecution team would be willing to wait until [he] is well enough to face the impeachment court. Hindi namin talaga pipilitin o madaliin ’yan. Kailangan po talaga siyang magpagaling muna,” dagdag ng Manila solon, kabilang sa impeachment endorsers.

Sa panig ni Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega V, sinabi niyang maaaring unahin na lamang ng prosekusyon ang pagsalang sa witness stand ng iba pang mga testigo nito habang nagpapagaling si Fajarda.

Bukod sa ilang military officers, ikinasa ng tagausig sa impeachment trial sa usapin ng maling paggamit ng nasa P612.5 million confidential funds, ay pagsalang kay former DepEd chief of staff Michael Wesley Poa, na kabilang sa mga abogado sa panig ng depensa. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *