IGINIIT ni former Surigao del Norte Congressman at Governor Ace Barbers na dapat ikonsidera ng Senate Impeachment Court na mas pahabain pa ang oras ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte para mapabilis ang proseso. “Naiinip ang taongbayan. Lalo na kapag pinag-uusapan ay technical, medyo legal o technical. Kahit nga minsan ang mga nakakaintindi, medyo hindi na rin nakakaya na sumubaybay sa tagal, sa haba,” wika ni Barbers na tumatayong House impeachment adviser at spokesperson. “Kami rin, naiinip na. Kung maaari nga sanang mas damihan natin iyong number of trial hours and trial days, mas maganda,” dugtong ng dating kongresista. Ayon kay Barbers, dala na rin ng weather-related suspensions at witness availability, ilang araw ang nasayang dahil kinailangan kanselahin ang paglilitis. Paglilinaw ng itinalagang lead chair sa tinaguriang House quad-com at mega panel sa nakaraang 19th Congress, batid niya ang bigat ng tungkulin ng senator-judges, na hinahati ang oras sa impeachment trial at regular sessions, committee hearings at iba pa. Kaya ang mungkahi niya, gawin ng mga senador ang kanilang legislative work mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon habang ang impeachment trial ay 3:00 ng hapon hanggang sa kung anong oras nito kakayanin. “Sa umaga na lang, from 9 a.m. to 3 p.m. iyong kanilang legislative work, and then 3 p.m. to sawa (ang impeachment trial),” ani Barbers. Samantala, hinimok ni Barbers ang pagkakaroon ng patuloy na talakayan sa publiko ng impeachment proceedings, na mayroong ibayong pag-iingat at huwag guluhin o maglabas ng mapanlinlang at maling impormasyon. “That is the reason why we would like to ask the media and also all the social-media bloggers, plus the spokespersons, to try their best na iksian at maging klaro ang paliwanag sa mga nangyayari sa loob,” dugtong pa ng veteran public servant. Sa panig naman ng prosekusyon, ipinabatid ni Barbers na sinisikap nitong mapabilis ang takbo ng paglilitis sa pamamagitan ng pagbawas sa hanay ng mga testigo na nauna nitong tinukoy, gayundin sa pagpiprisinta ng documentary evidences. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ebidensya ng prosekusyon, galing sa kampo ni Duterte Fake news laganap tuwing may pasabog sa pagdinig