PUMALO na sa 178 lokalidad sa iba’t-ibang sulok ng bansa ang isinailalim sa state of calamity bunsod ng sabayang epekto ng mga nagdaang bagyo at walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), milyon-milyong pamilya ang dumanas ng perwisyong dulot ng mga pagbaha at iba pang pinsalang dala ng sama ng panahon.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ang Pangasinan, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Dagupan, Rizal at Batangas.

Pasok din sa talaan ang mga lokalidad sa rehiyon ng  Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Mimaropa at Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *