ISANG araw matapos maglabas ng mandamiento de arresto ang korte, nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) para maglagak ng P360,000 piyansa para three counts ng kasong grave threat. Bago pa man dumating ang pangalawang pangulo, santambak na pulis ang dineploy sa Quezon City Hall of Justice, tanawing lubhang ikinabahala ng bise presidente. Pag-amin ni Duterte, mas pinili niyang sundin ang rekomendasyon ng kanyang mga abogado — ang magpiyansa kesa manatili ng ilalim ng kustodiya ng mga pulis. “Ipinaliwanag nila na mas maaari akong maprotektahan ng mga sibilyan na makakakita at makakapansin sa aking kalagayan, kumpara sa pananatili sa detensyon kung saan ako ay nakahiwalay at mas mahina ang proteksyon,” wika ni Duterte. Mula pa aniya noong 2023, walang tigil ang panggigipit ng gobyerno sa kanilang mag-anak. “Hindi ko nararamdaman na ligtas ang aking ina at mga anak kung mananatili akong kasama nila, at labis akong nag-aalala para sa kanilang kaligtasan at kapakanan,” dagdag niya. “Ang aking pangamba ay siya ring pangamba ng nakararaming mamamayan. Hindi lamang kaligtasan ng kanilang pamilya, buhay at pagkatao ang kanilang pinag-aalala, kundi pati na rin ang kanilang mga ari-arian at kabuhayan dahil sa kawalan ng sapat at tamang serbisyo publiko at talamak na korapsyon.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Taguig personnel dinakip, Ombudsman probe piniit