ISANG matibay na hakbang ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act 12325 para mapalawak at mapatatag ang pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ayon kay Tingog partylist Rep Jude Acidre,

Sa bisa ng RA 12325, siguradong makakaabot aniya sa mga estudyante ang tulong ng pamahalaan para makapagtapos sa kolehiyo sa kabila ng kawalan ng kakayahan tustusan ang matrikula.

Ayon kay Acidre na tumatayong chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, ang paglagda ni Marcos ang huling yugto para sa katuparan ng ng libreng edukasyon sa kolehiyo — pantay, inklusibo at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral.

“When we first opened the doors of free higher education, we expanded opportunities for millions of Filipino students. Pero nakita rin natin na hindi sapat na libre lang ang edukasyon. We must make sure that government assistance reaches those who have the least capacity to pay and those who face the greatest risk of being left behind,” wika ni Acidre said.

Tampok sa ilalim ng RA 12325 ang pag-amyenda sa Tertiary Education Subsidy o TES kung saan ang mga mag-aaral mula sa hanay ng 4Ps households ay magiging prayoridad ng programa habang ang ibang magiging benepisyaryo ay ibabatay sa household per capita income ng pamilya.

“Simple lang ang prinsipyo – kung kinilala na ng gobyerno na kabilang ang isang pamilya sa pinakamahirap at pinaka-nangangailangan, dapat makita rin iyon sa paraan ng pagbibigay natin ng educational assistance. Kung sino ang higit na nangangailangan, sila ang dapat unahin,” paliwanag ng partylist congressman.

Ayon sa House panel head, sinisiguro sa ilalim ng naturang batas na ang mga totoong kapos sa pananalapi ang prayoridad ng programa.

“Access alone is not enough. Kailangan din natin tiyakin na ang mga estudyanteng kapos sa buhay, nasa malalayong lugar, o kabilang sa disadvantaged sectors ay may tunay na pagkakataong makapasok, manatili sa paaralan, at makatapos.” 

Nakapaloob din sa RA 12325 ang paglikha ng Private Education Assistance o PEA program kung saan ang qualified disadvantaged students ay makakatanggap ng tulong para makapasok sa CHED-recognized private higher education institutions at TESDA-registered technical-vocational institutions.

“Hindi kayang akuin ng public sector lamang ang lahat ng pangangailangan ng ating mga mag-aaral. Kaya mahalaga na gamitin natin ang buong kapasidad ng ating education system, public and private alike, and ensure that government support follows the learner wherever quality education is available,” paliwanag ni Acidre.

“This is what universal access should mean: not simply free education, but a system where poverty, geography, or family circumstance does not determine how far a young Filipino can go,” giit ng mambabatas.

Lubos na pinasalamatan ni Acidre ang Pangulo sa pagsuporta sa adhikaing magkaroon ng malaking pagbabago sa tertiary education, gayundin kay Speaker Faustino Dy III para sa pamumuno sa kongresong nagbigay katuparan sa pangakong mabigyan ng de kalidad na college education ang mga kabataang Pilipino.

“Sa huli, ito ang dapat maging sukatan ng Republic Act No. 12325: walang pangarap ang dapat huminto dahil lamang sa kahirapan, at walang talento ang dapat masayang dahil kulang ang pagkakataon. This law is our commitment to make sure that ability is matched by opportunity, and that every Filipino learner who is willing to work for a better future is given a fair chance to reach it.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *