MALAKING bentahe para sa state colleges and universities (SCU) ang paglabas ng halos P10-bilyong pondo naglalayon itaas ang antas at kaludad ng edukasyon. Sa isang pahayag, pinuri ni Solid North Partylist Rep. Ching Bernos ang hakbang ng Department of Budget and Management (DBM) na ibaba sa Commission on Higher Education (CHEd) ang pondong magbibigay-daan para maabot ng mga kabataan sa mga pamantasan ang pangarap na magandang kinabukasan. “These funds will surely help our SUCs as they strive to become better learning institutions and partners of our youth in reaching for their dreams,” wika ni Bernos. Bagamat atrasado, naniniwala ang Solid North partylist solon, na malaking tulong pa rin ang naturang pondo itaas ang antas ng Free Higher Education (FHE) Program. Sa datos ni Bernos, lumalabas na ang naturang pondo ay para sa academic years 2022-2023, 2023-2024 at 2024-2025. Aniya, ang FHE Program ay resulta ng pagpapatupad ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nagkakaloob ng libreng matrikula at iba pang school fees sa SUCs at CHED-recognized local universities and colleges. Kasunod ng naturang hakbang, inaasahan ng kongresista na agad na ire-release ng CHEd ang subsidiya sa mga SUCs sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education. “Pagkatapos ng paghihigpit ng sinturon dahil sa pagpasan sa gastusin sa implementasyon ng FHE program, mas makakahinga na ang ating mga SUCs at maitutuon na ang mga pondo sa ibang programang nabinbin o nais ipatupad para sa kapakanan ng mga estudyante,” sambit pa ng lady lawmaker. “We hope that with these funds, we can see our SUCs take greater steps towards improvement, such as in strengthening academic and research programs and student services, upgrading of laboratories, libraries, and other facilities, or even the rehabilitation of their buildings and public spaces.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 2027 national budget: P1.3 trilyon para sa edukasyon