PARA kay Senador Mark Villar, lubhang nakakabahala ang pagdami ng kaso ng suicide sa hanay ng mga kabataan, kasabay ng panawagan para sa mas pinatibay na programa para sa mental health services.

Sa binigkas na privilege speech na kalakip ng pakikiisa sa Suicide Prevention Month,isang panawagan ang paabot ni Villar sa pamahalaan — agaran at komprehensibong aksyon upang tugunan ang tumataas na bilang ng suicide cases sa bansa, 

Iminungkahi rin ng mambabatas ang pagpapalawak ng access sa mental health professionals at services, mas pinaigting na prevention efforts, at tiyakin ang sapat na pondo para sa mental healthcare lalo pa aniya’t dumarami ang mga Pinoy na nakakaranas ng tinawag niyang “mental struggles.”

“Our people deserve a healthcare system that treats mental health with the same urgency, respect, and dignity as physical health. The numbers are deeply concerning,” wika ni Villar.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 3,379 ang namatay bunsod ng sariling kagagawan (intentional self-harm) noong 2024, mula 3,133 noong 2023. Mula Enero hanggang Hunyo 2025, nakapagtala rin ang Philippine National Police (PNP) ng halos 2,000 suicide cases.

Sa Metro Manila pa lang, nakapagtala ang NCR Police Office ng 111 kaso mula Enero hanggang Marso 2026, kumpara sa 33 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon—katumbas ng 236-percent increase.

Binigyang-diin din ng senador ang matinding kakulangan ng mental health professionals. Batay sa isang 2026 analysis na kanyang binanggit, meron lang 409 accredited psychiatrists sa buong bansa, at 54.52 percent sa kanila ay nasa Metro Manila. Katumbas lamang ito ng 0.38 psychiatrist sa bawat 100,000 Pilipino, malayo sa WHO-recommended minimum na 10 kada 100,000 na binanggit sa kanyang talumpati.

“But Mr. President, how can we expect Filipinos to seek help when help itself remains difficult to access?” anang senador.

Bukod sa kakulangan sa serbisyo, sinabi ni Villar na nananatiling malaking hadlang ang stigma dahil marami pa rin ang natatakot magsalita o humingi ng tulong dahil sa hiya at pangamba sa panghuhusga.

“It is high time to stop romanticizing resilience when what our people need is support. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Hindi ito pag-iinarte. At lalong hindi ito dapat ikahiya.” 

Hinimok din niya ang mga pamilya, kaibigan at komunidad na gawing normal ang pag-uusap tungkol sa mental health at maging handang makinig nang walang panghuhusga.

“Nawa’y i-encourage, i-normalize, at buksan natin ang usapin tungkol sa mental health sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Tulungan nating wakasan ang stigma. Ugaliin nating kumustahin at pakinggan nang walang paghuhusga ang mga taong nakakaranas ng mental health struggles. Iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito,” aniya pa.

Binigyang-diin ni Villar na hindi lamang numero ang bawat kaso, kundi buhay ng isang Pilipino at pamilyang apektado ng mental health struggles.

“Self-harm and mental health-related deaths are not merely statistics. Behind every number is a person—a friend, a family member, a colleague, or a schoolmate. There are lives and stories behind every figure we present in this Chamber.” 

“Dapat nating mas pagtuunan ng pansin, palakasin, palawakin, at gawing mas accessible sa lahat ng ating kababayan dahil ang ganitong kondisyon ay walang pinipiling lugar, oras, edad, kasarian o katayuan sa buhay,” dagdag niya.

Kasabay ng deliberasyon sa panukalang 2027 national budget, nanawagan si Villar na tiyakin ang sapat na pondo para sa komprehensibong pagpapatupad ng mga umiiral na batas at pagpapabuti ng mental healthcare system ng bansa.

“As we deliberate the 2027 National Budget, let us seriously consider the funding for comprehensive, integrated, and responsive implementation of our laws and the improvement of our mental healthcare,” Villar said.

Binigyang-diin din ni Villar ang kanyang mga panukalang batas para palakasin ang prevention, early intervention at access sa mental health support. Kabilang dito ang Student Guidance Counseling Act, na isinama sa Comprehensive School Safety Act; One Registered Nurse in Every Barangay; Anti-Workplace Bullying Act; at isa sa kanyang priority measures, ang Youth Suicide Prevention Act, na naglalayong gawing institutionalized ang suicide intervention sa pamamagitan ng life-planning education para sa kabataan.

“As we observe the Suicide Prevention Month, let us honor those we have lost not only with words, but with meaningful action. May their lives strengthen our resolve to act and to legislate with compassion, urgency, and purpose, in service of every Filipino,” sambit pa niya.

“One life needlessly lost is already one too many. We must take our part in ensuring that no life would succumb to the pressures of mental health struggles.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *