SARILING interes lang ang motibo ng pangalawang pangulo na panawagan para sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para kay House prosecution panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hangad ni Vice President Sara Duterte palitan si Marcos sa Palasyo bago pa man maglabas ng hatol sa Senate impeachment court. Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang bise-presidente ang hahalili sa pwesto sakaling magbitiw, maalis (sa bisa ng impeachment) mamatay o tamaan ng malubhang karamdaman ang presidente. Giit ni Alonto Adiong, dapat nauunawaan at tinitimbang na mabuti ng taumbayan ang bawat pahayag at mensahe, nang hindi lamang tinitignan kung saan ang nagsasalita. “Una, importante po, hindi lang ang message kundi sino ang nagsasabi ng message na ito,” wika ng Lanao del Sur solon. Aniya, dapat magtanong ang publiko kung sino ang makikinabang sa sandaling mawala sa Palasyo ang Pangulo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation VP Sara dapat hubaran ng lisensya bilang abogado