HINDI angkop tumanggap ng buwanang sahod ng mga mambabatas tumatanggap ng sweldo pero hindi nagtatrabaho, ayon kay Senador Panfilo Lacson kasabay ng pahiwatig sa aniya’y napipintong pagpapatupad ng “no work, no pay policy” sa Senado. Bagamat hindi na kumukuha ng sweldo ang mga kapwa mambabatas tulad ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, mula pa Nobyembre 2025, marami na umanong senador ang nais amyendahan ang panuntunan sa mataas na kapulungan — partikular sa usapin ng madalas, kung hindi man matagalang pagliban. “Pag unauthorized na ang absence, dapat hindi parang self-imposed lang o unilateral na di kukunin ang sweldo. Dapat official na merong sulat sa Land Bank, sa Treasury, na isu-suspend ang sweldo o ititigil,” wika ni Lacson sa isang panayam sa DZBB radio. Maliban sa ilang araw noong Mayo, hindi na pumasok sa Senado si dela Rosa mula Nobyembre 2025. Mayor 14 ng madaling araw nang biglang naglaho si dela Rosa habang nasa kustodiya ng senado matapos ang tangkang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Para kay Lacson, hindi biro ang pagkaantala ng aniya’y santambak na gawain sa Kongreso bunsod ng kawalan ng quorum. Kabilang sa mga tinukoy ni Lacson na apektado ng pagliban ng mga kapwa senador ang regular na gawaing lehislatibo, pagsusuri sa panukalang 2027 national budget at paglilitis kay Vice Presidente Sara Duterte. “Hindi (kami) maka-schedule ng ethics hearing si Sen. Tito Sotto kasi sobrang abala kami these days,” aniya. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Duterte atat maging pangulo sa hirit na pagbibitiw ni Marcos Jonvic bet bumili ng mga helicopter para sa PNP