DAIG ng maagap ang tuso. Ito ang pinatunayan ng dalawang kapwa akusado sa kasong plunder na kinakaharap ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan. Sa isang kalatas, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang chief staff ni Romualdez na kinilala sa pangalang Joselyn Serenio, bago pa man lumabas ang hold-departure order laban sa apat na akusado. Gayunpaman, nilinaw ng kawanihan na nasa Pilipinas pa ang negosyanteng si Felicito Cristobal Guevarra, na sinasabing kasabwat ng dating lider ng Kamara. “The BI will continue to strictly enforce the HDO and undertake appropriate immigration measures within its mandate,” garantiya ng BI. Kasalukuyang nakapiit si Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas matapos ibasura ng Sandiganbayan ang motion to post bail na inihain ng mga abogado ng kongresistang pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mayor Baste target talupan sa kontrata ng GenCorp sa Davao Impeachment court dedma sa pang-iinsulto ni Duterte