UMAPELA ang isang kongresista sa impeachment court na huwag palampasin ang insulto ni Vice Presidente Sara Duterte sa proseso, gayundin sa mismong institusyon ng senado. Sa isang kalatas, hinikayat ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na sitahin ang pangalawang pangulo sa direktang pag-atake sa integridad ng korte — alinsunod sa Rule 19 na mas kilala sa tawag na sub judice. Paglilinaw ni Alonto Adiong, iginagalang ng prosekusyon ang impeachment court sa kabila ng show-cause order na inilabas sa dalawang miyembro ng prosecution panel bunsod ng umano’y paglabag sa naturang panuntunan. “I think it should be applied universally,” wika ni Alonto Adiong. “If we are really to set the standard for all parties involved in this impeachment trial to observe with due diligence, avoiding violating the sub judice, it would also be applied to the respondent herself,” dugtong ng tagapagsalita ng prosekusyon. Ipinagtanggol naman ni Alonto Adiong ang dalawang kasapi ng prosekusyon sa mga pahayag na naglalayon lamang umano gabayan at lubos na maintindihan ng publiko ang mga kaganapan sa pagsasakdal sa bise presidente. Taliwas umano ito sa mga naging patutsada ni Duterte na direktang inatake ang impeachment proceeding at maging ang impeachment court. “Those kinds of statements should be called out by the court,” giit ni Alonto Adiong. Samantala, sinabi ng Lanao del Sur lawmaker na hindi pa naman nagkakaroon ng pormal na pag-uusap ang buong prosecution panel hinggil sa kung ano ang magiging tugon nito sa naturang show cause orders. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kapwa akusado sa kaso ni Romualdez, nakatakas na Anti-Political Dynasty Bill prayoridad ng Kamara