WALANG karapatan bumoto sa impeachment trial ang mga senador na hindi lumahok o nagpakita man lang sa paglilitis ng mga kasong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang giit ni former Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tumatayong tagapayo at tagapagsalita ng House prosecution panel kaugnay ng voting threshold sa pagtatapos ng paglilitis ng senado sa pangalawang pangulo. “Hindi ako abogado pero para sa akin naniniwala ako na siguro dapat ang tingnan yung gawing denominator yung mga laging nag-a-attend at yung talagang informed dito sa usapin ng paglilitis na ito,” wika ni Barbers. Para kay Barbers, malinaw sa naging opinyon nina retired Supreme Court (SC) Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide Jr., gayundin ni retired SC Associate Justice Adolfo Azcuna, na mahalagang narinig at na-obserbahan ng senator-judges ang testimonya ng mga saksi bago magpasya. “At malinaw na sinabi ng ating apat na mahistrado na dapat mayroong fairness doon sa desisyon, dapat mayroong makatarungan na hukom o pag-decide,” dagdag niya. “Yung mga hindi naka-attend. Yung mga for unknown reasons ay walang information about the trial. Yung iba naman ay may sakit outside of the country, ito ba isasama sa bilang? Para sa akin, siguro hindi nga dapat on the basis that they have not seen the evidence, they have not heard the testimonies, nor have they seen the demeanor of the witnesses presented by both the prosecution at saka yung pagdating din ng panahon ng turn ng defense ganito din ang kanilang gagawin,” punto pa ni Barbers. “So, para sa akin mukhang hindi fair yun. Fair ba yun na hindi mo nakita, nadinig, at nasuri yung mga ebidensya and yet gagawa ka ng decision? Ano ito, base sa iyong haka-haka? Yan ang sinasabi ng ating mga former members ng Supreme Court na when you base your decision, you base it on fairness and justice,” aniya. Nilinaw naman ni Barbers na hindi ganap na nakatuon ang prosekusyon sa isyu ng impeachment voting threshold, na marapat lamang na resolbahin mismo ng senator-judges, sa halip ay ipinupunto lamang na ang mga nakadalo sa paglilitis ang dapat payagan bumoto laban o pabor sa bise presidente. Gayundin ang posisyon ni Manila Rep. Benny Abante. Aniya, isang mahalaga at lehitimong usapin ngayon ang voting threshold lalo’t kapansin-pansin na 10 hanggang 11 senator judges lamang ang regular na nakadadalo sa impeachment trial. “So, ang question dito ay, yung mga hindi nag-aattend, whether there be any documentary evidence o whether it is even recorded, pwede ba sila ay with fairness and justice, makatarungan po ba na bumoto rin ang isang senador judge na walang alam sa nangyayari?” Ani Abante. “Yun ba yung makatarungan sa taong bayan? Sapagkat naniniwala ako na ang taong bayan ang huhusga ng conviction na ito o acquittal na ito. Hindi ang mga representante tulad namin o tulad ng mga senador. Kaya nga ang kahilingan ko, dapat ang taong bayan ay manood at malaman nila lahat ng ebidensya na inilalahad ng prosecution team,” dagdag ng Manila lawmaker. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga kongresista umalma sa paandar ni Atty. Panelo Dagdag-pasahe sa lahat ng pumapasada, namumuro