HINDI pinalampas ng dalawang prominenteng personalidad sa larangan ng pulitika ang patutsada ng abogadong tumatayong tagapagsalita ng pangalawang pangulo. Para kay Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., haka-haka lamang umano ang giit ni Atty. Paolo Panelo hinggil na sinasabing panggigipit ng administrasyon sa mga senator-judges na miyembro ng minorya. Partikular na tinukoy ni Panelo ang pagsasampa ng kaso sa mga senador na hindi kayang pasunurin ng Palasyo. Ayon kay Abante, hindi dapat haluan ng anumang pagbabanta, lalo na kung walang batayan ang hakbangin ng Senate impeachment court na resolbahin ang usapin sa voting threshold na kailangan para hatulan o pawalang-sala ang bise presidente. “Why don’t we give the right for the senator judges to be able to change the threshold when it is necessary?,” sambit ni Abante. Hinikayat din ng Manila solon ang kampo ng bise presidente na huwag nang panghimasukan at guluhin ang usapin ng voting threshold — at sa halip ay pagtuunan na lamang ang direktang sagot sa mga kinakaharap na kaso. “Ang tungkulin po ng vice president, sagutin niya lahat ng mga allegation laban sa kanya,” buwelta pa ni Abante. Sinegundahan naman ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tumatayong adviser at tagapagsalita ng House prosecution pane. “Sa akin naman, kung gaya ng pananaw nila, it doesn’t necessarily mean that is the correct opinion, gaya ng sinabi ni Cong Benny, speculative,” ani Barbers. Ang sinasabing pagsasampa ng kasong kriminal ay hindi agad umano maituturing na isang panggigipit bagkus ito ay dapat timbangin sa bigat ng mga ebidensiyang na ihaharap laban sa akusado. “Kung ikaw may kaso at may ebidensya naman doon sa kaso against you, nasaan ’yung grave abuse of discretion doon?” “The issue of ’yung kaso mo ba ay gawa-gawa o hindi, siguro, madedepende ito doon sa ebidensyang ilalatag against you,” pahabol ni Barbers. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ebidensya, hindi threshold mananaig sa hatol – Chua